Friday, September 25, 2009

My Impatience

*And she said--
It's not about me. It should not be about me. Focus on yourself.*
*And so I will, starting...NOW*

I am moving
I need permission
From
The Administrator

One object
I clicked
It’s starting
Continue

Tap, tap, tap
Foot on the floor
Am I wasting time here?
I don’t know, I don’t know

The process:
Real slow
My patience:
Getting low

One minute to
Forever
I want this
To be over

Tap, tap, tap
Foot on the floor
Am I wasting time here?
I don’t know, I don’t know

What’s taking this too long?
What’s stopping?
It’s taking all my time
It’s out of my control
I can’t
Indoctrinate

Tap, tap, tap
Foot on the floor
Am I wasting time here?
I don’t know, I don’t know

I am moving
I need permission
I am
The Administrator

Sunday, September 13, 2009

Housemates.

Simula noon, lahat ng pupwede kong gawin para magamit lamang ang utak ko sa ibang bagay ay ginawa ko na. Magbasa ng libro, magsulat, bumabad sa internet, kumain, kumain pa nang mas marami, mag-yosi, mag-kape, umalis ng bahay, hindi umalis ng bahay, matulog, kumanta, gumawa nang kanta, manuod ng TV, maligo nang mas matagal, at kung anu-ano pa. So far, medyo gumagana naman ang mga ginagawa ko.

Mayroon lang isang parte ng araw na ayaw na ayaw kong dumadating --ang gabi. Lalo na kapag tulog na ang mga tao at tahimik na ang lahat. Kapag mag-isa na lamang akong gising dahil hindi pa dinadalaw ng santong antok. Doon ramdam na ramdam kong humahapdi pa rin ang puso. Parang ginuguhitan ng blade na ginamit ng isang batang emo na pang-slash. Parang pinadaganan sa tatlong taong kasing bigat ng ref ang bawat isa. Parang may kamay sa diddib kong sinasakal na parang leeg ang muscle na pinanggagalingan ng lahat ng dugong dumadaloy sa aking katawan.

Madaya. Dahil tila lahat ng alaala nating dalawa ay iniwan mo sa akin na parang mga anak. Kung saan ako nakatira, doon din sila. Kung kumakain ako, kumakain rin sila. Hanggang sa pagtulog, pag-ihi, at kahit hanggang sa pagpapasabog ko ng demonyo sa banyo ay kasakasama ko sila.

Bawat sulok ng bahay ko ay inangkin na nila. Sa sala madalas tumambay ang alaala ng pag-awit kasama ng gitara ko, mga pasimpleng pagpapacute sa isa't isa, biruan at kulitan. Sa kusina ang mga sigaw mo habang nakikipag-buno sa mantikang tumitilamsik, ang yakap ko sayo' na nagsisilbing sandalan upang patuloy na lumaban sa katunggali sa pagpiprito ng meatloaf, at ang halakhak na kasabay ng rebelasyong hindi ka natutong gumamit ng abrilata. Sa banyo ang mga tingin sa salamin habang sabay na nag-totoothbrush, mga panggugulat,pagsasaraduhan ng pintuan at patayan ng ilaw. Sa kwarto ang palitan ng mahihigpit na mga yakap at matatamis na salita ng pag-ibig, ang initials mong isinulat pa sa pader, kilitian, harutan, mga hawak sa kamay, tampuhan at pagbabating muli. Sa buong bahay, nagkakalat ang tawanan, mga masasayang alaalang kasama ka. Nakikitira na sila sa aking inuuwian.

Hindi ko sila sinisingil ng upa sa bahay. Hindi rin kami naghahati ng bayad sa kuryente, tubig at telepono. Ang pagkain ko, walang charge rin nilang nakakain. Obligasyon ko nga ba silang buhayin? Hindi naman, pero pinipili ko ito dahil kailangan ko rin naman sila. Ebidensya sila na minsan, naging akin ang puso mo. Katibayang nagmahalan tayo. Pagpapatunay na naging parte tayo ng buhay ng isa't isa.

Paano kaya mabuhay kung pati sila mawala? Ano kayang pakiramdam ng mag-upo sa sofa nang walang maririnig na nagbubulungan ng i love you sa tabi? Paano kaya yung pagtulog ko kung wala narin kahit yung alaala ng goodnight mo sa akin? Ano kaya kung palayasin ko na silang lahat dito sa bahay ko? Kaya ko kaya? Magiging masaya kaya ako dahil sa wakas ay papatahimikin na nila ang buhay ko? O mas lalo lang akong malulungkot kasi masyadong magiging tahimik ang buhay ko?

Hay nako. Gulo ng pagkatao ko noh? Parang itong nangungulit na memory ng panunuod natin ng dvd sa laptop ko. Sandali nga muna. Balik nalang ako. Kulit eh sya daw muna ang gagamit. Geh maya nalang ulit.

Smiley sa banyo

( >_< )



( o_o )





( O_O )






( ^_^ )



Ahhh Success.



Saturday, September 12, 2009

Buwan

Minsan nananaginip tayo nang gising.

(sa kotse) Nakasakay kaya sya sa eroplano?
Sana di matuloy yung flight nya.
Bakit pa kasi kailangang pumunta sa States eh?!?
Bad trip.
Sino ba kasing nag-imbento ng eroplano?
Sarap nyang patayin!
Pero malamang patay na yun.
Kung walang eroplano, walang aalis.
Sakto a!
Ngayon pa 'ko maiihi kung kelan trapik!
Kung may gamot sa diarrhea,
dapat meron din sa ihi.
Buti pa sa eroplano may C.R.


(sa simbahan) Bakit kaya ang hirap alalahanin ng panaginip?
Naaalala mo parin
pero hindi na kasing-linaw, kasing-klaro,
noong habang nananaginip ka pa.
Minsan, mananaginip kang nahuhulog ka sa malalim na butas.
At bigla kang magigising.
Magda-dalawang-isip ka kung buhay ka pa.
At tama ka nga buhay ka pa.
Nakakapag-isip ka pa eh.


(sa LRT) Buti naman gumanda ang LRT ngayon.
Dati kahit bayaran mo ako, di ako sasakay dito.
No way man!
Papalayasin kaya ako pag isang buong araw ako dito?
Ilan kaya dito sa mga 'to ang hindi uwi agad?
Lahat ba sila alam ang pupuntahan nila?
Kutob mo may gustong mag-snatch
ng camerang kumukuha sa akin ngayon?


(sa opisina) DuD3>> ...yon.
SkIppy>> ...tapos sabi nya "eh kung tumahimik ka na lang?"
DuD3>> SkIppy hey GTG.
* DuD3 has left the chatroom *
DuD3>> haba ng araw na 'to...
DuD3>> buti na lang uuwi na 'ko.
DuD3>> di na kami nakapag-usap ni lavander-siamese!
DuD3>> di ko man lang sya nakita sa chatrooms ngayong araw.


(sa kotse)Mukha ba akong malungkot?
Halata kayang umiyak ako ng mag-isa kanina?
Tsaka bakit ako masesenti?
Cool ako eh.
Marami naman akong pwedeng gawin.


* DuD3 boinks himself on the head *
DuD3>> yon.
DuD3>> ang cool ni lavander-siamese :)
DuD3>> napakabait pa.
DuD3>> pauses
DuD3>>ganito ba ako ka-geek??!!
DuD3>> pag nag-iisip ako parang chat??!!


(pagbaba ng LRT, jeep naman) Saan kaya pupunta 'tong mamang to?
Sino kayang uuwian nya?
Familia #1
Or Familia #2?
Dukutan ko kaya sya?
Wag. Bad. Bad.
Do unto others what you want others to do unto you.


Minsan nananaginip tayo nang gising.
Hindi mo na alam kung nasaan ka.
Akala mo nasa kalsada ka,
pero nasa opisina ka parin.



* DuD3 walks some more *
DuD3>> pero iba talaga si lavander-siamese eh
DuD3>> oo nga geek na ako
DuD3>> palagay ko geek din sya
DuD3>> balang araw
DuD3>> magkikita rin kami
DuD3>> at magsasama kami sa ka-geekan naming dalawa
DuD3>> yeah right. dream on.
DuD3>> zzzzzzz.......


Hindi naman masamang managinip eh.
Libre naman yon, di ba?
Kasi kung hindi, ang dami na natin sanang utang ngayon.



itchyworms!
"BUWAN"
august 24, 2003

directed/photographed by marie jamora
edited by edsel abisames
subtitling by marie jamora
written by the itchyworms!
2003/ignorant art productions

Ka-Lahat


Sa inuman, mas masarap may katagay

Sa videoke, mas masarap may kasamang sumigaw

Sa yosi, mas masarap may kasindi

Sa problema, mas masarap may kadamay

Sa lamesa, mas masarap may kakwentuhan

Sa buhay, mas masarap may kasabay

Friday, September 11, 2009

Ang Katuparan ng aking Pangarap

My very own MacBook

Pwede ring Tinolang Big Bird.

Hindi lingid sa kaalaman ng "karamihan" sa ating mga Pinoy na naghihirap na ang ating bansa. Maraming sa ating mga kababayan ang nabubuhay lamang sa tig-limang pisong jiampong (de takal na instant noodles na may sandamutak na betsin). Kapag minalas, sa mga tira-tirang pagkain sa basurahan. Kapag mas minalas pa, magtiyaga ang malaking bituka na kainin ang maliit na bituka.

Nakaka-depress nga malaman na ganito tayo sa Pinas. Buti pa noong bata pa ako hindi ko naiisip ang mga bagay na yan dahil abala lang ako sa panonood ng Batibot, Sineskwela, Bayani, Hirayamanawari, at ang paborito kong, Sesame Street.

Speaking of Sesame Street, dahil sa lahat ng nabanggit kong TV shows ay yun lang naman ang foreign, napaisip lang ako. Random thought lang naman. Naisip lang ng baliw kong utak, kung mamumuhay, magttrabaho, makikipag-sapalaran dito sa atin nang katulad ni Juan Dela Cruz ang barkada ni Elmo, kakayanin kaya nila?


Matawa, Matibay.

Isang lalaki ang napabalitang tatalon di umano mula sa isang gusali sa Ortigas


nang dahil sa...

lakas ng kanyang...

trip sa buhay.

http://www.tensionnot.com

Happy Pets

Tagalog translation by tinolang arinola


Kilala mo ba si Fred Fauntleroy?
Siya ay isang makulit at masamang boy.
Humuhuli siya ng mga kawawang langaw
At tinatanggal ang kanilang mga pakpak, hanggang pumanaw.

Pumatay siya ng ilang ibon, nagsira ng ilang upuan
At inihulog ang kuting sa mataas na hagdan.
At oh! Mas malala, mas malala pa
Sinuntok niya ang kanyang aso at sinakal kanyang ang pusa.

Isang magandang araw sa tag-init
Inilabas niya ang kanyang mga alaga para mag-laro.
Ngunit ulo niya'y bigla na lamang uminit
At naisipang kumuha ng latigo.

Nilatigo niya ang aso, ito'y bugbog-sarado
Nilatigo niya ang pusa, ito'y mas bugbog-sarado.
Hanggang sa ang mga alaga niya ay magalit ng todo
At kinagat siya hanggang mag-swimming na siya sa dugo.

Sumigaw siya ng napakalakas at nakakatulili
Dumating lahat ng kapit-bahay na hayop, nagmamadali
Ang sabi niya, "Get help, or I may die"
Ngunit nagchikahan lamang ang mga ito, hinihintay siyang mamatay.

http://www.scaryforkids.com/happy-pets/

You're Hired!

Anak: Ha ha ha!!

Nanay: O bakit ka tumatawa? Me nakakatawa ba?

Anak: Hahahaha! Nay, me trabaho na ho ako! Hindi nyo na ako mamaliitin dahil me silbi na ko dito sa bahay!

Nanay: Totoo ba yan, anak? Me trabaho ka na talaga?

Anak: Opo, nay! Ang totoo nga niyan ni hindi na ko ininterbyu. Walang tanong-tanong, tanggap na raw ako agad at makapagsisimula na sa Lunes! Ha ha!

Nanay: O?? Ay ang galing-galing naman ng anak ko!! (dumungaw sa bintana at nagsisigaw sa kapit-bahay) Me trabaho na ang anak ko!! Mga kapit-bahay me trabaho na si Jhunior!!!

Anak: Nay, naman. Masyado naman pong mahina, lakasan nyo naman ho para hindi lang sina Manang Baby at Mang Boy dyan sa tapat ang makarinig.

Nanay: (matapos ipamalita sa lahat ng kapit-bahay na may trabaho na ang anak) Sya nga pala Jhunior, eh saan naman ba iyang napasukan mong trabaho?

Anak: Dyan lang ho sa may Hot n' Now Fastfood, katabi ng gasolinahan.


http://www.weirdpicturearchive.com/

Para Sana Kay Gabby

Ganitong klaseng pacifier sana ang gusto kong iregalo sa inaanak ko sa binyag niya bukas. Ang kaso sabi ng sales lady, kailangan pa daw toothbrush-in 3x a day para hindi masira. Eh, hindi ko na binili. Gagastos sa toothpaste?
Wag na lang.

Grate The Boy?

Ayoko nang ispin....kung saan maaaring gawa ang ispageti.

Batteries Not Included

Katulad ng mga kwento dito, inimbeto ang bagay na ito nang hindi ginagamitan ng isang mahalagang parte ng katawan -- utak.


http://declubz.com/

My Faith is Shakin'

Kung ikaw ay isang katoliko, malamang simula bata ka pa lang ang itinuro na sa iyong dahilan ng pagkamatay ni Hesus ay ang mga kasalanan ng sanlibutan. Ngunit ng makita ko ang litrarong ito, nagbago ang aking pagtingin sa mga donuts.


http://www.weirdpicturearchive.com

Soundtrip


Isang araw, napadaan ako sa isang tindahan ng mga original cds sa isang mall sa QC. Saktong nakita ko ang cd ng aking paboritong banda. Pasaway akong nagpa-picture kasama ng cd. Parang nakasama ko na rin ang mga tunay na miyembro ng banda! Masaya akong naglibot-libot pa sa nasabing tindahan.


La la la la la la la la......

Nangaliwa


Smart ang Bruha


Nahihirapan ang lalaking ito na sagutin ang mga tawag mula sa kanyang selepono habang naglalaro siya ng sorority life at pet society sa facebook. Kaya naisipan niyang itali na lamang ang kanyang selepono sa kanyang ulo gamit ang lumang chinese garter.

Ngunit sa tuwing ginagawa niya ito ay nagkakaroon ng marka ng garter sa kanyang noo na isang malaking turn-off sa mga papaboys na kanyang ka-istemberlu. Kaya naman, naisipan na niyang humingi ng tulong sa kanyang sisterette/BFF at ito ang iminungkahi niyang solusyon:

http://declubz.com/

Art and Pornography este Photography pala Part 2

by http://declubz.com/

Nakita ni Honey (lalaking foreigner sa part 1 na kaakbay ng babaeng nagtatago ng likuran) ang pantalong ito sa isang mall. Agad niyang binili at ipinangregalo kay Honey (babae sa part 1 na nagtatago ng likuran) para sa kanilang 2nd monthsary. *kilig*

That night, I was too busy doing everything...

And I was cold
And I was snow
And you were there
to melt me.

And all the odds may come but you'd still be the one
who melts me.



...that I forgot the one thing that she asked me to do for her

--sing her my song.

Thursday, September 10, 2009

Ang Mga Tunay na Masters.

Isang gabi, nangarap kami ng kaibigan kong, itago na lamang natin sa pangalang Micle B., na balang-araw ay magiging mga sikat kaming writers. Sisikat siya dahil ang mga isususlat niya ay may mga paksang magiging socially relevant. Ako naman,wala lang basta sisikat lang ako. Maraming taong tatangkilik sa aming mga libro, pipilahan sa mga Goodwill at National Bookstores. At siyempre mananalo kami ng Nobel Prize. Hindi ko naman talaga hilig ang mag-sulat. Pero malay natin, isang araw makagawa ako ng nobelang maisasama sa koleksyon ng precious hearts romances! Haha!

Kaya ngayon palang gusto ko ng pasalamatan ang dalawang taong naging daan upang makahanap ako ng, ika nga ni Micle B., outlet.

Judy Abots
Ang nagpakilala sa akin ng blogspot at pumilit na gumawa ako ng blog. Siya rin ang kauna-unahan at nag-iisa kong follower.


Garci
Ang nagpakilala sa akin ng blog.


Sa inyong dalawa, maraming salamat. Tunay ko kayong mga MASTERS.

Haha char! Feeling lang. :))

Wednesday, September 9, 2009

Art and Pornography este Photography pala Part 1

by tinolang arinola




Honey, masyadong mataas ang shorts mo. Bakit hindi ka gumaya sa akin? Ibaba mo yan, nakakahiya ka. :))

While the fire alarm rings...

I'm skipping work today
I don't feel good, I don't feel wanted there
I know I'm not lazy
I just can't present myself that I'm valuable
I don't recall having been so evil
I did my best, I'm sorry it was just meager
Now it's a true blue Friday noon
And I'm still not awake
Now it's a true blue Friday noon
And I'm still not awake
I just embrace the afternoon
And I can only wait
I broke the trust, that's nothing anyway
I doomed myself to rot on this rotten bed
I close my eyes and I dream of things
That are far from what is now
I don't recall having been so evil
I did my best, I'm sorry it was just meager
True blue Friday noon
And I'm still not awake
Oh, it's a true blue Friday noon
And I'm still not awake
Oh, it's a true blue Friday noon
And I'm still not awake
I just embrace the afternoon
And I can only wait
--Friday Noon, Ciudad

Manood. Maantig. Matakot?


Kahit pipi o bingi, sa pantene, you can shine.
:))

Tuesday, September 8, 2009

Buto't balat, Lumilipad

Mataas, matayog na mga pangarap
Na hinihila lamang ng manipis na sinulid
Ipinaglalaban sa hangin
Marupok, madaling masirang mga pat-pat
Na umaakay sa nanghihinang plastik
Pilit tinitibayan ang sarili
Ang hangad, ang panalangin
Na habang buhay na sasambitin ng saranggola kong pag-ibig
Huwag sanang palayain
Sa pagkakatali, sa pagkakakulong sa iyong mga kamay
Na tanging nalalabing makakapitan
Upang makalipad, upang lumigaya, upang mag-mahal
Ngunit napagod, na-pagal
Sa pag-tawag ay lumingon, at bumitiw
Hindi na muli pang tumingala sa langit
Hinayaan, pinalaya ang mga pangako
Na sa hangin ay magpadala ng lubos
Papalayo sa'yo
Hanggang sa anurin, hanggang sa lunurin
Nagugutom na lamunin ng mga ulap
At saka idinura
Pabalik pababa sa lupang susubukan siyang uurin
Ipabubugbog sa mga paang sa kanya'y tatapak
Mapupunit at masisira
Naghihinagpis, nag-uumiyak na humihiling
Na may makaramdam, naka-paa
Pulutin, hilumin, paliparing muli