Thursday, September 10, 2009

Ang Mga Tunay na Masters.

Isang gabi, nangarap kami ng kaibigan kong, itago na lamang natin sa pangalang Micle B., na balang-araw ay magiging mga sikat kaming writers. Sisikat siya dahil ang mga isususlat niya ay may mga paksang magiging socially relevant. Ako naman,wala lang basta sisikat lang ako. Maraming taong tatangkilik sa aming mga libro, pipilahan sa mga Goodwill at National Bookstores. At siyempre mananalo kami ng Nobel Prize. Hindi ko naman talaga hilig ang mag-sulat. Pero malay natin, isang araw makagawa ako ng nobelang maisasama sa koleksyon ng precious hearts romances! Haha!

Kaya ngayon palang gusto ko ng pasalamatan ang dalawang taong naging daan upang makahanap ako ng, ika nga ni Micle B., outlet.

Judy Abots
Ang nagpakilala sa akin ng blogspot at pumilit na gumawa ako ng blog. Siya rin ang kauna-unahan at nag-iisa kong follower.


Garci
Ang nagpakilala sa akin ng blog.


Sa inyong dalawa, maraming salamat. Tunay ko kayong mga MASTERS.

Haha char! Feeling lang. :))

2 comments:

  1. baket nawawala ung comment ko?!

    --->
    hindi ko alam kung maliligayahan ba ko dito o mapipikon eh! pakshet na pichur yan! :))

    ReplyDelete
  2. hahahahaha! pinili ko talaga yan. matouch ka! hehe

    ReplyDelete